I'll begin this section with one of my favorite local band, End Of Man.
This band blew me away when I saw them live the first time and I made it a point to set an interview with them.
This was my second live interview, the first one was with Boi of ADA.
We did this interview outside of a pizza restaurant at the Megamall using a walkman that was placed at the center of the table.
Transcribing the interview afterwards was a real bummer because of all the noise but I got no complain. It was a very good interview, in my own damn opinion!
Yung huling gig (sa Marikina), ano nangyari dun?
John: Masaya naman... bale 8 bands tumugtog. Feud, (Tame The)
Tikbalang, Betrayed, GI and The Idiots, Beauty Of Doubt, Throw, End Of
Man, saka Piledriver. Medyo ano siya, punk oriented gig.
Ano 'to ng MAIM. Ibig sabihin ng MAIM, Manila Independent Music,
collective. Grupo siya for independent bands. Hindi naman puro punk, may
metal, may hardcore… hindi siya ganun ka purist talaga. Basically,
underground music.
Parang nagbabalikan yung mga beteranong banda… GI and The Idiots,
Betrayed… ang Tame diba parang nag lie-low sila, biglang balik. Ano
palagay nyo yung motivating factor bakit biglang nagbalikan tong mga banda
na to?
John: Sa akin, assessment ko lang for the love of (music). Yun talaga
gusto nila.
Sa Tikbalang naman kasi kaya medyo nawala, after nung marelease yung album
parang medyo nagkatamaran, saka wala na kasing matugtugan na maayos. Meron
mga gigs na babagay kaso anglalayo. Kaya nga kami, si Boyet, si Yam, ako…
saka rest of the band, nagdecide na bumuo ng grupo. Ang main purpose
talaga naming is once a month gig sa Marikina.
Pano nyo naisipan buuin End Of Man?
John: bale magkakabanda nga kami ni Yam, ni JC saka ako sa Mass
Carnage. Parang nagkatamaran, or everybody went busy, basta wala na lang.
Si Yam kasi naging busy talaga ng todo.
Yam: Nagtrabaho ako.
John: Tapos ako, I had some problems… basta! Si JC hindi namin ma
-contact (looking at JC, grinning).
Yam:Pero gusto talaga namin, kami ni John, gusto naming magkabanda
tsaka tumugtog ng…
John: Ng hip-hop (laughs)
Yam: Cool yun eh (laughs). (continues in a more serious voice) Hindi
kung baga… di naging busy nga, di ba? Nag lie-low talaga, ilang taon pare…
More than two years. Kasi '97, '98 masasabi mong… '98, '99 halos wala na
di ba? (looking at the other members as they nodded in agreement) Pero
nandun yung nag-aabangan pa din kami, kelan ba pwede ng ibalik. October
last year, nagkausap nga na " Ano pare, tutuloy pa ba natin?" Tapos
tinanong ni John "Pare pag sinabi mong Oo, yung totoong Oo na, kaya mo na
talagang magbanda ulit. So kausap ni John una si Aries, napag-usapan nila
yung pagbuo, tapos tinawagan ako ni John, tapos nagka-kontakan na.
Pano nakumpleto ang members?
Aries: Si John lahat kumontak
JC: Kasi barkada na nya lahat eh.
Si Joey?
John: Kaming dalawa ni Yam, from the start metal yung gusto namin.
Nagsa-side project siya ng kung ano-ano, nagsa-side project ako ng kung
ano-ano, pero talagang metal yung… parang kulang pag wala kang bandang
metal ang tugtugan. So yun nga we decided to form End Of Man. Actually
wala pa kaming idea na End Of Man ang pangalan. Kinontak ko si Aries, he's
from Goo, former band ko rin, pero I got kicked out of the band (other
members grinned). It's a punk band. I had some drugs problem during that
time. Tapos na naman yun so, hindi ako nahihiya na sabihin.
Kinontak naming si JC, kung gusto n'ya, with the condition na mas talagang
may bonding. Kabanda naming siya sa Mass Carnage, he's more of a band mate
than a friend. So apat na kami, got a bassist, si Aries, si JC guitars,
Yam guitars, ako drummer, kulang na lang yung magbo-vocals sa amin.
Actually it was a hard job, kasi gusto naming, marunong kumanta, hindi
puro growl pero marunong ding sumigaw.
Na bring up ni Yam sa akin si Joey. Kami naman parang suntok sa buwan kasi
si Joey Rock Star eh.(laughs)
JC:Discant X yan eh, di na ma-reach yan eh. (grinning)
John: Kasi ganito pa lang kami kaliliit (moving his hand a couple
feet upwards) Discant X na yan (more laughter) Ibig sabihin matanda na
siya (another laughter)
(Then in a more serious tone) Kami naman maski suntok sa buwan, sinubukan
ni Yam na kontakin siya.
Joey: 'Di, tropa ko na rin kayo…
John: Barkada na naming si Joey pero…
Yam: Friendly friends. (again laughter, which baffled me)
John: Ok naman pumayag naman siya… Nagcover muna kami ng songs
from…
Yam: Slayer
John: Slayer, Death Angel
Yam: Anthrax
John:Si Yam talaga gusto nyan compo, from the start compo talaga
yan, saka yun naman dapat eh. Yung first gig namin it turned out na OK,
yun tuloy-tuloy na.
Dun sa first gig kilala kayu dun more as Mass Carnage, ano yun
nakatulong ba or…
John: Actually mas nakatulong dahil yun nga medyo kilala kami…(looking
at the other members), medyo kilala tayo ng tao? Hindi ko naman masasabing
kilalang kilala pero may orientation sila sa atin.
Yam:Oo, mas nakatulong siya. (others nodded in agreement)
Pano nyo ngayon ilalayo yung sarili nyo (as End Of Man) sa Mass
Carnage or Discant X?
John: Actually wala kaming planong gawin yun eh. I-compare kami sa
Mass Carnage… ako I really don't care.
Yam: Oo
John: Kasi Mass Carnage is a good band naman…
Kahit papano well-respected nung mga panahon na yun?
John: Sana, kasi ok naman yung mga prinsipyo nung bandang yun saka
kung baga it's a big part sa aming tatlo ni JC and ni Yam. So maski
ikumpara… wala kaming balak ihiwalay.
Nagco-cover pa rin kayo ng Mass Carnage?
John:Hindi na gaano…
Yam: Hindi na masyado.
John: Pero depende sa mood.
Discant X?
John: Oo
Aries: Isa lang. (Pertaining to Depression and Suicide)
Yung eksaena ngayon pano nyo iko-compare sa eksena noong… mid-90's?
Marikina scene?
Yam:Metal scene?
Metal, hardcore. Buong eksena. Kasi basically ang hardcore hindi
nawala eh. Sabihin natin sa Metal, biglang angat ng Marikina scene, sabay
bagsak.
John: Actually sa Marikina scene talagang flourishing, lalo na yung
death metal dati. Sa isang gig talagang todo, karamihan death. Hindi ko
alam kung bakit biglang nawala.
JC: Pumasok na kasi yung progressive era.
John: Sa akin ang pumatay dyan yung grunge era, (others nodded)
kasi siguro akala nung ibang nagde-death metal mas ok tumugtog ng Pearl
Jam.
Di ba gaya ng Rumblebelly, nagsimula sila sa grunge, eventually
nakilala?
John: Hindi naman actually nakasira pero yun yung… siguro yun yung uso
nun…
Aries: Kasi namatay rin sa States yung death eh. Tapos pumasok na
yung ibang type ng music…
Yam: Ewan ko, pero isa sa mga comment ko nung generation naming na
yun, karamihan sa mga banda na yun nagtrabaho.
Joey: Yun! Ako naniniwala ako dun.
John: Maraming nagtrabaho, maraming na hook sa drugs…(mild
laughter)
Oo totoo yun, ako na lang katulad ko…(laughs)
Yam: Example Iconclast. Si Mark, yung drummer nag abroad. Si Junee
yung dating gitarista nag abroad din.
Joey: Sa tingin ko nung time na yun ang age ng mga nagbabanda nun
mga… mid 20's na nangangailangan na rin ng pera. Naging priority talaga
yung trabaho.
John: Eto talaga very big factor kung bakit namatay yung eksena,
hindi lang sa Metal scene, dahil sa putanginang ticket selling na yan.
(Everyone agreed in unison). Major yan. Para makatugtog ka kelangan
magbenta ka ng ticket.
Ang assessment ko dyan, yung mga banda their main job is to play good on
stage not to sell tickets. Siguro kahit papaano may obligasyon yung banda
na mag invite pero hindi para may quota ka na you have to sell 20 tickets
to play.
Joey: Tapos pag di mo naubos may utang ka pa.
John: Oo, babayaran mo (yung unsold tickets) tapos papagalitan ka
pa. Yan ang unang-unang sumira talaga sa eksena.
Ngayon ano gusto nyong ma-accomplish as End Of Man?
John: Sa ngayon dream naming album. Actually EP.
Yam: Tsaka makasulat ng magandang kanta. Magandang music.
Aries: Kahit ilan lang ang nakakaalam. Kahit konti lang yung
nakikinig.
JC: Hindi naming gustong sumikat.
Yam: Ang priority naming magawa yung mga kanta na maganda. Tsaka
masaya kami.
Joey: Tsaka hindi namin matatago yung fact na matanda na kami.
(everybody laughs). 5 years from now hindi na kami makakatugtog na
kasimbilis ng tugtugan naming eh. So kailangan naming bago dumating yung
panahon na yun panahon na yon magka album na kami.
Bakit naman? Motorhead, di ba?
John: Totoo yun sabi ni Joey. Motorhead, pero kung napakinggan mo
live album ng Motorhead laki ng ibinagal pero nandun pa rin yung attitude.
Long term din yung titingnan mo eh. Saka baka… si Joey rin me planong
umalis.
Aries: Gusto ring mag Saudi.
Yam: Hindi na aalis si Joey kasi ano…
John: Baka mamaya makabuntis..
Joey: Tado!
Yam: Hinahanap yung kalahati ng puso nya eh. (laughter all over).
Di ba bale 7 kanta na yung nasa site, yung lyrics. Ano-ano yung mga
kanta na yun, pwede paki- explain?
Devoted Mistake, What's it all about?
Yam: Pwede ibang kanta na lang? Tungkol yan sa relasyon. Di ba lahat
naman ng tao nakakaranas ng relasyon, di ba Joey? Pero may mga relasyon
talaga na patungo sa… pagdurugo ng puso. Kala mo in-love ka pero… In a
way it's a love song pero in a different context, kung baga. Imbes
makabuti sa yo mas nakakasama, kaya Devoted, ibig sabihin pursigido ka
kahit mali.
Liberation of The Mind?
Yam: Liberation of the Mind. Ang tao hindi inilagay sa mundo para
maging bobo. Ang tao nilagay sa mundo para maging magaling. Pano ka
gagaling? Magbabasa ka, makikinig ka nga music, matututo ka sa mga
experiences sa ibang tao. Kailangan I-grow mo yung pag-iisip mo, kasi
hindi naman tayo nilagay ditto para yun lang, manood ng TV, kung an yung
sabihin nina Tito, Vic and Joey, ayos na yon. (others laughs) Hindi naman
yun yun, di ba?
Mas maganda sa buhay ng tao kung igo-grow na yung pag-iisip nya.
Yung Bulldozer plano nyo irecord as End Of man?
Yam: Hindi na siguro sa End Of Man.
Kailan nyo naman plano ilabas tong… EP or demo?
Aries:Ep.
John: Safest answer is before the year ends.
So far yung mga kanta nyo dun na naka-post yung lyrics areglado na
lahat ng kanta?
Yam: Oo.
So mga ilang kanta yung lalabas sa EP?
John: Siguro maximum of 5 songs.
Yam: Maximum 5.
John: Kasi originally gusto naming mag album pero, yung budget eh.
So the lesser the songs mas konti gastos, lalo na ngayon para makatipid
muna.
Ano palagay nyo yung ups and downs na nasa banda ngayon
kesa nung 90's?
John: Nung 90's kasi, sa akin ha, nag-aaral ako nun, may allowance ako
sa tatay ko. Ngayon wala na ako allowance, hirap na ako kumilos eh. Di ba
syempre pag nagbabanda ka may mga gastos din, halimbawa gig, pamasahe…
it's a small thing but you have to take it into consideration. Napupuyat ka
sa gig, nagutom ka…
Yam: Tao pa naman kami.
John: Siguro ang ano ngayon yung pera, mas mahirap ang pera ngayon.
Yun yung negative side nya. What about yung positive side na nasa
banda ka nung 90's?
John: Yung positive mas flourishing pa din talaga yung dati, kasi mas
maraming magaling na banda nung dati. Ewan ko para sa akin lang.
Sa ngayon, ano sa tingin nyo yung positive aspect ng nasa banda?
Joey: Nakakabata pare. Kasi energetic ka ulit.
John: Saka may release. Sarap ng once a month may release ka na
todo. (everyone agreed in unison)
Joey: kasi nagtatrabaho, parang weekend reward na lang talaga.
Pero ano naman yung downside na nasa banda ka ngayon?
John: Schedule
Joey: Schedule
Aries: Schedule
Yam: Schedule. Kasi ako pasok ko umaga. Kasi pag nageensayo kami,
may tugtog kami. Sigurado puyat ka nyan…
John: Ok lang kasi nako-compensate eh.
Yam: Ok lang kasi masaya ako. Gusto ko yung ginagawa ko, so kahit
puyat ako ayos lang.
Pagod ako sa trabaho, ok lang.
Ano yung sana na accomplaish nyo sa Mass Carnage o sa Discant X na
hindi nyo nagawa noon na gusto nyo magawa ngayon sa End Of Man?
Joey: Song writing. Kasi ang nangyari kasi sa akin sa Discant, tight
na sila. Nung tinanggal nila yung bokalista pumasok ako, so nagyari parang
"eto kantahin mo na lang to". Wala na akong input. Di katulad ngayon di
pareho kami nag start sa… although tumutugtog na kami, kanya kanyang
input.
Mass Carnage?
John: Basically sa Mass Carnage siguro yung album.
Yam: Oo, yung album.
John: Hindi kami nakapag record eh. Nakapagrecord kami ng 3 songs
sa compilation. Two songs from Numeric Sampler, tapos isang kanta sa
Monsters Of Metal. Pero ok sana kung solo album o kaya EP talaga. Eto
huling baraha na naming to, pag walang nangyari ewan ko na lang.
Yam: Hip-hop na talaga tayo pare (laughter ensues)
John: Mag ja-Japan na ako.
Di ba ilang beses na kayo nakatugtog sa Mayrics, Disnormal (Nite).
Ano sa tinging nyo yung crowd ng Disnormal compared sa crowd ng like…
Slayfest?
Aries: Magandang tanong yan.
John: Mas brutal, mas metalhead yung nasa Slayfest.
Yam: Mas metalhead.
John: I'm not saying na mas ok yung crowd sa Slayfest, what I'm
saying is…basta mas metal.
Joey: Mas magaganda suot dun sa Disnormal. (everyone laughs)
John: Gaganda T-shirt ng mga tao run eh. Kami puro Top 40 lang
yung…
Joey: Pare puro orig yung shirt. Pare yun ang napansin ko.
Yam: May cutie pa don (Disnormal)
Aries: May mga cutie.(in a gay voice, another laughter)
Joey:(In a more serious voice) Ganun, no offense.
Yam: akala naming babae, lalaki pala.
JC: Parang rich gig tsaka…
Kasama nyo tumugtog dun KNK, di ba? Ano sa palagay nyo tugtugan nila
ngayon?
John: Sa akin nothing shocking yun kasi from the start alam ko naman
si Paul experimental yan, so sige lang bigay ang hilig ng walang ligalig.
Yung isang band nya, Crimeria?
(After some teasing from the group John answered)
John: Ok naman, kanya-kanyang trip yan eh.
Panong ok?
JC: (looking at John) Baka mabigla ka sabihin mo totoo ha?
John: Pinilit talaga (laughs)
JC: Baka mabigla ka masabi mo lahat, tapos dere-deretso.
John: Ok kasi meron palang babaeng bokalista na gustong mag venture
sa ganun, which is…
Aries: The growl.
John: Healthy para sa ano… kasi baka may maimpluwensiya pa para
para magsunuran yung iba. Yun lang.
Meron pa ba kayong mga ibang alam na bands noon na active
pa rin ngayon?
John: Ressurected
Yam: Genital (Grinder) daw babalik.
Nung late 80's (throwing the question to Joey)?
Joey: Wala na yun.
John: Wala na nagbigayan na. (suddenly burst with laughter as he
looks at Joey)Tatanda nyo na eh.
Ano yung mga memories sa Recto?
John: Ang natambayan ko sa Recto nun, chong na. Hindi ako masyadong
nag enjoy kasi nung panahon na yon, nakakatakot na, masyadong wild yung
tao. Tapos bata pa ako, kasama ko lang ate ko… wala ako masyado…
Ikaw Joey, late 80's?
Joey: Ano??? Basta late 80's ako tinatanong. Basta pumupunta ako dun
pag nagpapagawa ng pantalon, kasi mura. Tapos tambay tambay konti dun.
Nung time na yun may edad na mga tao, yung nakakatakot hitsura, kaya hindi
ako nagtatatambay sa lugar na yun.
Ang classic doon, kami nina Jun Gasa, Discant, sina Bopip. Kaya kami
pumupunta ng Recto para… isa lang ang dahilan. Kwek Kwek!!! Puta kasi
classic talaga. Yung hindi hinuhugasan yung platito, kaya kami pumupunta
dahil dun.
Sa mga bagong banda ngayon alin yung nagugustuhan nyo?
Yam: Sino yung nag Cannibal Corpse (pertaining to Slayfest).
I think Sultan? So wala pa kayong masyado kilalang banda ngayon?
John: Walang gaano eh.
Basically nung wala kayo sa banda, wala kayong idea kung ano
nangyayri sa eksena?
John: Actually hindi naman ako talaga nawala sa eksena. Maski nawala
Mass Carnage tuloy pa rin ako kasi I got Tame (The Tikbalang), seesion sa
Betrayed… yun lang mga metal bands talaga parang nawala.
Nagulat ako dahil nung Slayfest, tsaka nung Disnormal Nite, meron pa pala
na Ok.
Yung mga crowd ngayong ano palagay nyo diprensiya sa crowd noon?
John: Yung kids kasi ngayon, sorry to say, pero NU oriented kasi yung
mga bata. Kung ano sabihin ng NU.
Joey: NU and Pulp oriented.
John: Yung mga ganun. Hindi mo naman sila mabe blame kasi ganun
orientation nila, pero sana mas mag research sila.Hindi mo rin ma blame
kasi ano lang ba nagke-cater ng rock? NU.
JC: Dati may LA, di ba?
John: Yan naman LA bulok din yan.
Napatugtog ba kayo (Mass Carnage) sa LA dati, o sa NU?
John: Narinig ko dati (sa LA), sa NU hindi.
So yun na lang, salamat.
John: Ayus!
Yam: Ayos, ayos!!!
So yun na lang, salamat.
John: Ayus!
Yam: Ayos, ayos!!!
No comments:
Post a Comment